Madali PALA ang mag-Cash in sa PalawanPay App!

, Madali PALA ang mag-Cash in sa PalawanPay App!
Facebook
Twitter

Sa wakas may sweldo na! Makakapagbayad na ng mga bayarin, groceries, makakapagpadala na din ng pera kay nanay at tatay, at siyempre mache-check-out na ang in-add to cart! Tapos may nakita pang budol sa Home Buddies at dahil may pera na, go na!  Bilhin na yan. Deserve mo yan, rewardan mo sarili mo dahil sa hard work mo this month. Excited ka nang gawin lahat yan? Let’s go!

Wait, bawal pala lumabas at pumunta kung saan-saan. Buti na lang may PalawanPay App ka na sa cellphone mo. I-cash in na ang pera mo sa e-wallet para makapagbayad at mabili na lahat yan online.

Paano ang mag cash-in sa PalawanPay App? Kunin na ang cellphone at buksan ang app. I-click lang ang “Home” icon at piliin ang Cash in option. Para makapag-cash in pumunta ngayon sa pinakamalapit na Palawan Pawnshop – Palawan Express Pera Padala branch sa inyo, huwag kang mag-alala marami yan, mayroon tayong mahigit 5,000 Palawan Pawnshop – Palawa Express Pera Padala branches and authorized agents nationwide. At mabilis lang ang proseso kaya saglit ka lang sa labas. Tandaan: mag-face mask at huwag kalimutan ang alcohol sa paglabas, lagi din obserbahan ang social distancing. Ngayon nasa Palawan Pawnshop – Palawan Express Pera Padala branch ka na, i-fill-out ang cash in form, best in writing dapat. Huwag kalimutan ilagay ang iyong PalawanPay registered mobile number at kung magkano ang ica-cash in mo. With a smile, ibigay ang form at cash sa mga friendly cashier. Hintayin ang confirmation message na ipapadala via SMS at ang notification sa PalawanPay App para sa successful na cash in transaction. Ayan na! Ngayon tignan na ang iyong PalawanPay App at tignan ang iyong updated balance. Ang dali at ang bilis di ba?

May laman na ang e-wallet mo, tara ubusin na natin. Joke lang. Ngayon puwede mo nang bayaran online ang mga babayarin mo sa kuryente, tubig at internet. Mag-groceries ka na din, puwede din yan online. I-pera padala mo na din ang para kay nanay, tatay at sa other members of the family. May natira pa ba? Yung sa shopping cart mo online, check-out mo na din. Huwag din kalimutan ang savings. Mahalaga din ang savings sa panahon ngayon. Okay na ba lahat?

Ang galing di ba. Pinadali at pinabilis na ang pagbabayad ng bills, pera padala at siyempre ang paborito natin, ang pag-o-online shopping sa PalawanPay App ng Palawan Pawnshop – Palawan Express Pera Padala. Kaya masasabi natin na madali lang PALA ang paggamit ng PalawanPay App at ang pag-cash in sa maraming branches and authorized Agents nationwide ng Palawan Pawnshop – Palawan Express Pera Padala.

I-follow ang PalawanPay sa Social Media

Iba pang balita