PalawanPay will transform the way you send money

, PalawanPay will transform the way you send money
Facebook
Twitter

Sobrang beneficial sa ating mga Pilipino ang pera padala through online channels sa panahon ngayon. Less hassle na nga dahil kahit hindi ka na lumabas ng bahay ay pwedeng-pwede ka pa mag-pera padala anytime! Hindi mo na kailangan din pumila ng pagkahaba-haba at mag-antay para lang matawag ang pangalan or number mo sa pila sa mga payment centers. Hindi na rin masasayang ang foundation at blush on mo suki dahil sa sobrang init ng panahon sa labas. Kahit sitting pretty ka lang sa bahay at pa-kape-kape sa veranda or balcony ng bahay mo, kayang-kaya mo ng gumawa ng iba’t-ibang financial transactions gamit lamang ang smartphone mo. Sobrang convenient ng buhay ngayon di’ba? Paano kung sabihin natin na kayang-kayang gawin lahat ‘yan ng iisang app lang? Oo, suki, kayang-kayang gawin ng PalawanPay App yan sa iisang upuan lamang! Tara, discuss natin.

PalawanPay App will transform the way you send money dahil gagawin nitong mas convenient ang mga ways to send money dito without any hassle! You can send money via e-wallet to e-wallet para wala ng labasan ng bahay? Pwedeng-pwede yan with PalawanPay! You can send money with another PalawanPay App user para nga naman less-hassle na kapag magre-receive ng pera dahil no need to go outside na suki!

Teka, baka naman hindi ka’na lumabas ng bahay niyan? Joke lang! Pwede ka pa ‘rin naman lumabas para makita ang friends mo dahil meron pa rin tayong E-wallet to Palawan Pawnshop Palawan Express Pera Padala. Ano ‘to? Ganito yan, you can send money through any Palawan Pawnshop Palawan Express Pera Padala branch or any authorized agent nationwide! Tama, nationwide yan suki! Hassle-free di’ba? Real time pa yan dahil once na complete na ang transaction sa PalawanPay App mo, ready na for pick up ang pinadala mo sa branch.

Marahil iniisip natin kung safe ba ang transaction natin with PalawanPay. Naku suki, safe na safe ang transactions natin with PalawanPay App dahil walang kuskos-balungos din ang security layers nito. PalawanPay is also regulated by the Bangko Sentral ng Pilipinas kaya naman sure na sure tayong safe ang account natin and money-transfer process natin dito.

I-follow ang PalawanPay sa Social Media

Iba pang balita