Since we are living in a digital age, karamihan sa ating mga consumers ay unti-unti nang inaadopt ang paggamit ng cashless payment methods to pay for goods and services. Everything can be accessible through the use of digital technologies at syempre kasama na dito ang pag process natin ng ating money transactions. Speaking of which, Meron tayong dalawang kilalang payment methods. Ito ay ang E-wallet at payment gateway. Bagamat pareho silang may kakayahan na mag facilitate ng ating online transaction there are significant differences between them.
Tara, samahan nyo kong alamin ang pagkakaiba ng dalawa.
E-wallet. Ay isang digital wallet o system na ginagamit upang makapag save o transfer ng pera. Ginagamit din ito upang makapag bayad ng bills, goods and services. Plus, meron din itong features tulad ng Cash-in and Cash-out features at e-loading. Ito ay tulad ng isang bank account but you can access it on your phone or any device available. It will save you time sa pagbabayad ng bills and is more convenient dahil may security features din ang E-wallets at sure na safe ang pera mo once na nilagay mo siya dito. At isa ang PalawanPay sa sikat o kilalang E-wallet na available at accessible sa ating bansa.
Payment Gateway. Ito naman ay digital service na tumutulong sa isang consumer to process his online payment. They act as a bridge between the customer’s payment method and the merchant’s bank account, allowing for the seamless transfer of funds. Sa payment gateway, sinisigurado nila na secure ang process ng payment bago i-transfer ang fund sa account ng merchant.
Furthermore, maaring magkaroon ng restrictions sa amount ng pera na pwede ilagay at transaction na pwedeng gawin sa e-wallet. Sa payment gateway naman, they are designed to handle large transactions at mas maraming options pagdating sa payment.
© 2021 PalawanPay. All Rights Reserved.