Serbisyong Mura, Mabilis, at walang kuskos-balungos handog ng PalawanPay!

, About Us

Ang PalawanPay ang pinakabagong produkto ng Palawan Pawnshop Palawan Express Pera Padala Group na kinikilalang number one pawnshop at remittance center sa buong bansa! Ito ay isang one-stop financial app na sagot sa lahat ng financial needs ng aming mga suki. Sa isang app, maaari nang mag cash-in, mag cash out, mag bayad ng bills, mag e-loading, mag pera padala, tumanggap ng remittance, at marami pang iba.


Bilang bahagi ng Palawan franchise, ang PalawanPay ay may access sa napakalawak na network ng number one remittance company ng bansa—ang Palawan Express—na may mahigit 5,000 branches at authorized agents sa bawat sulok ng Pilipinas.


Itinatag ang Palawan Express bilang isang negosyong nag-aalok lamang ng pawn brokering, ngunit pinalawak din ang serbisyo upang isama ang pagpapadala ng pera na kilala na ngayon bilang Palawan Express Pera Padala. Matapos ang higit 30 taon sa industriya, nag-aalok kami sa aming mga tapat na customer ng iba pang mga produkto at serbisyo tulad na lamang ng international money remittance, foreign currency exchange, e-loading, bills payment, at accident insurance sa lahat ng aming mga branches nationwide.

Isang app para sa lahat ng financial transaction needs!

Ito na ang iyong MADALI, MABILIS at SAFE na e-wallet, handog ng Palawan Group! Send money anytime, anywhere! Pwede PALA yun? Oo, pwedeng-pwede! PalawanPay ang iyong magiging go-to app para sa lahat ng iyong financial transaction needs.

Sa PalawanPay, siguradong hindi ka na maghahanap ng iba!

Pinagkakatiwalaan ng partners at customers nationwide.

Ang PalawanPay ay nangangakong magbibigay ng walang kuskos balungos na serbisyo at abot kayang financial solutions para sa lahat. Kaya PALA kahit big brands ay malaki rin ang tiwala sa PalawanPay!