, Bills Payment

Bayaran ng bills? Mabilisan lang yan sa PalawanPay!

Bill ng kuryente? Bill ng tubig? Kahit anong bill pa yan, mas mapapadali ang bayaran dahil sa PalawanPay!

Madali, mabilis, at walang hassle ang bills payment sa PalawanPay!

Madali, mabilis, at walang hassle ang bills payment sa PalawanPay!

1

Sa inyong PalawanPay app, piliin lamang ang , Bills Payment Bills Payment option.

2

Hanapin ang iyong biller, ilagay ang account number, account name, at iba pang mga detalye. Maaaring makita ang buong listahan ng mga billers dito.

3

Click next, i-check kung tama ba ang impormasyon, at mag click Confirm. Ilagay ang MPIN bago mag click Send.

4

Antayin ang confirmation.

Libre lamang at walang annual fees para magamit ang PalawanPay app, ngunit may corresponding fees ang maaaring i-charge sa inyong account ayon sa transaksyon. Tignan ang transaction fees dito. 

FAQS

Kung ikaw ay aksidenteng nakapag-lagay ng maling account number o nakapag-bayad sa maling biller:
  • I-check kung ikaw ay nakareceive ng confirmation ng SMS notification o maaari mo ring tignan ang iyong App inbox sa upper right corner ng iyong PalawanPay screen.
  • Mag-screenshot ng details ng notification siguraduhing kumpleto ang detalye sa screenshot.
  • I-check din ang balance ng iyong account kung ito ay na-deduct.
  • Merong mga biller na kayang mag-correct ng maling detalye, at meron namang nirereject ang mga maling transaction.
  • I-monitor sa loob ng 1-3 business days kung ang maling transaction fund ay naibalik sa iyong account.
  • Merong mga biller na automatic na binabalik kaagad ang maling payment, kung hindi maibalik agad ang iyong bayad at hindi pa rin ito na-post sa iyong account, maaari kang mag-submit ng ticket sa PalawayPay Customer Support at babalikan ka ng isa sa mga representative sa loob ng 24- 48 business hours. Ilagay ang mga sumusunod na detalye.
Unposted Bills Payment – Incorrect Biller
  • Payor Name:
  • Payor Mobile Number:
  • Transaction Date:
  • Amount:
  • Biller:
  • Reference No.:
  • Incorrect Account Number:
  • Correct Account Number:
  • Screenshot of Transaction Confirmation:

Kung ikaw ay aksidenteng nakapag-bayad ng maling amount, merong mga biller na automatic na ibinabawas sa sususnod na billing statement ang sobrang bayad ng nakaraang buwan. Madalas ang mga utilities, credit card, loans, cable at internet providers ay ganito ang ginagawa hanggang mapost ang lahat ng sobrang nabayaran sa iyong account.

Maaari pa rin i-request ang refund kung ito ang iyong nais, mag-submit ng ticket sa PalawayPay Customer Support at babalikan ka ng isa sa mga representative sa loob ng 24- 48 business hours. Ilagay ang mga sumusunod na detalye.

 

Bills Payment – Incorrect Amount

  • Payor Name:
  • Payor Mobile Number:
  • Transaction Date:
  • Amount:
  • Correct Payment Amount:
  • Biller:
  • Account Number:
  • Account Name:
  • Reference No.:
  • Screenshot of Transaction Confirmation:


Paalala: Ang refund ay nakadepende sa process at response ng biller, maaaring ang kanilang response ay umabot ng lagpas sa iyong susunod na billing cycle. Meron ding mga biller na hindi pumapayag sa refund at binabawas na lamang ang sobrang bayad sa sususnod na billing statement

 

Maaari mong macheck at mamonitor ang mga nababawas na transaction sa iyong account sa iba’t-ibang paraan. Ugaliing i-check ang mga narerecive na SMS notifications sa iyong registered mobile number o kung may registered email, ay maaari ka ring makatanggap ng email notification. Maaari mo ring i-check ang iyong PalawanPay app inbox, matatagpuan ito sa upper right corner ng iyong PalawanPay home screen.

Maaari mo ring mamonitor ang iyong transactions sa Transaction History ng iyong PalawanPay app. Ang mga nabawas ngayon araw ay magrereflect sa sususnod na business day.

Merong mga biller na may technological capability para ma-detect ang mga maling transaction (maling account number na napasok o maling account na hindi active ang account number sa kanilang system) at automatic na nirereject ang transaction at binabalik ang pera.

Madalas ang mga utilities, credit card, loans, cable at internet provided ang automatic na nagbabawas ng mga sobrang bayad sa susunod na billing statement. Ngunit pinaka mainam na i-check rin ito sa iyong biller upang makasigurado.

Dahil sa electronical nature ng transfer ang mga bayad na duamadaan sa PalawanPay ay automatic na napoprocess at napopost agad sa system ng biller.

Maaring kailanganin ng biller ang 1 to 90 days para ma-resolve ang incorrect payment dispute dahil dadaan pa ito sa investigation at processing sa side nila.

Maaring ang pag-receive ng SMS ay maapektuhan ng iyong location,network traffic, at iba pang factors kung kaya ang SMS notification ay maaring makaranas ng delay o hindi dumating. Huwag magalala dahil may iba pang paraan para malaman na successful ang iyong payment.

Isang indicator ay ang iyong bayad ay na-process kung ito ay nabawas na sa iyong balance. Nagrereflect ang mga transaction ngayon araw sa susunod na business day. Minsan inaabot ng higit sa 3 araw ang posting ng transactions.

Maaari kang mag-submit ng ticket sa PalawayPay Customer Support at babalikan ka ng isa sa mga representative sa loob ng 24 business hours. Ilagay ang mga sumusunod na detalye.

Unposted Bills Payment – Incorrect Biller

  • Payor Name:
  • Payor Mobile Number:
  • Transaction Date:
  • Amount:
  • Biller:
  • Reference No.:
  • Incorrect Account Number:
  • Correct Account Number:
  • Screenshot of Transaction Confirmation (if available):

Kung maka-encounter man ang PalawanPay ng problema sa pagpopost ng iyong transactio sa biller ito ay automatic na mababalik sa iyong account sa susunod na business day. Ugaliing i-monitor ang iyong balance at transaction history sa PalawanPay app, at kung ibalik man ang iyong bayad, maaaring gumawa ng panibagong transaction.

Madali at mabilis lamang mag bayad ng bills gamit ang PalawanPay app, narito ang mga steps.

 

  1. Mag log in sa iyong PalawanPay app at piliin lamang ang Bills Payment option.

  2. Hanapin ang iyong biller, ilagay ang account number, account name, at iba pang mga detalye. Maaaring makita ang buong listahan ng mga billers dito.

  3. Click next, i-check kung tama ba ang impormasyon, at mag click Confirm. Ilagay ang QPIN bago mag click Send.

  4. Antayin ang confirmation.

 

Libre lamang at walang annual fees para magamit ang PalawanPay app, ngunit may corresponding fees ang maaaring i-charge sa inyong account ayon sa transaksyon.

Depende sa iyong biller. May mga billers na nag aaccept ng payment kahit overdue, mayroon namang hindi.

Para sa mga overdue bills, we recommend paying bills sa biller mismo upang maiwasan ang mga discontinuation ng services lalo na sa mga utilities gaya ng tubig, kuryente, at telepono/ internet.

Para sayong convenience, kung ang isang biller ay madalas mong binabayaran, maaari mo na itong i-save bilang favorite biller upang hindi mo na kailangang ipasok iyong detalye ng paulit-ulit. Maaaring sundin ang mga sumusunod na steps:

 

  1. Piliin ang “Pay Bills” sa iyong PalawanPay dashboard.

  2. Pindutin ang “Add a Biller”.

  3. Piliin ang biller.

  4. Ipasok ang mga detalye ng iyong biller account. Pindutin ang “Next” para tumuloy.

    Paalala: Maari mo ring i-customize ang biller name sa “Preferred Biller name”.

  5. I-review ang details na iyong ipinasok. Pindutin ang “Save”.

  6. Lalabas ang confirmation page ng iyong na-save na biller. Maaari mo na rin itong magamit sa iyong mga transactions.

Kung sa di inaasahang pangyayari ay nadoble ang bawas sa iyong account maaari mong i-consider ang mga sumusunod na options.

1. Pwede mong i-monitor ang iyong PalawanPay account sa loob ng 3 business days.

Ugaliing i-check ang balance sa posibleng pag-refund o automatic reversal.

Kung nabawas naman ang iyong payment ngunit ito ay nag-fail, automatic na irerefund sayo ito ng system. Merong mga biller na automatic na nagrerefund ng double payment na nadedetect sa kanilang system. Kung wala namang refund na nagreflect, maaari mo ring i-check directly sa biller kung kanila ng pinost ang bayad, makakatulong ito para masiguradong ang iyong bayad ay hindi naka-float.

 

2. Maaari ka ring mag request ng refund.
Maaari kang mag-submit ng ticket sa PalawayPay Customer Support at babalikan ka ng isa sa mga representative sa loob ng 24 business hours. Ilagay ang mga sumusunod na detalye.

Unposted Bills Payment – Incorrect Biller

  • Payor Name:
  • Payor Mobile Number:
  • Transaction Date:
  • Amount:
  • Biller:
  • Reference No.:
  • Incorrect Account Number:
  • Correct Account Number:
  • Screenshot of Transaction Confirmation (if available):

 

3. Maaari mo ring alamin kung ang biller ay pwedeng makapag-accommodate ng advance payment.

Madalas ang mga utilities, credit card, loans, cable at internet provided ang automatic na nagbabawas ng mga sobrang bayad sa susunod na billing statement. Ngunit pinaka mainam na i-check rin ito sa iyong biller upang makasigurado.
Mainam na alamin ito sa biller upang makasigurado.

Maaari mo ring i-consider ang sobrang bayad bilang advance payment, o ibabawas ito sa susunod na iyong billing statement.

Paalala: Merong mga biller na maaaring abutin lagpas sa susunod na billing cycle ang resolution.

Naiitindihan namin na ito ay posibleng solution lamang. Ito ay suggestion lamang kung sa tingin mo ay mas madali para sayo ito. Ngunit ang decision ay nasayo pa rin kung nais mong i-consider ang option na ito.

Madalas nangyayari ang double o multiple charging kung nakoconfirm ang transaction ng higgit sa isang beses ng user.

Maaring factor ang slow internet connection na nagbubunga ng break sa processing kahit na nabawas na sa wallet ang payment, at dahil din dito ay walang lumalabas na confirmation kung kaya hindi agad nalalaman ng user na nabawas na ito sa wallet niya, at maaaring mag-sanhi na umulit ang user sa pag process.

Maaari ring mataas ang volume na pinaprocess ng system ng biller kung kaya’t nagtatraffic sa pag-accept ng transactions ng sabay-sabay na maaaring magbunga ng system timeout sa PalawanPay kung kaya’t walang lumalabas na confirmation sa payor kahit abawas na ito sa wallet niya, at maaaring mag-sanhi na umulit ang user sa pag process.

Walang kakayahan ang system na magprocess ng payment ng dalawa o higit na beses o mag generate ng dalawa o higit pang transactoin IDs, ito ay nagpaprocess lamang kung may human trigger.

Laging maging maingat lalo na kung nakaka-experience ng slowdown o mabagal na internet, at kung may mga failed transactions.

Laging i-check ang available balance kung may nabawas na bago mag-initiate ng bagong transaction.

May mga pagkakataon na ang ibang biller ay inaabot ng higit sa isang buwan bago maresolve ang concern, kung kaya nahohold ang iyong bayad ng mas matagal na maaari ng magamit dapat sa susunod na billing.

Depende sa klase ng biller, maaaring ang kanilang process ay mag-require ng maraming approval na nagreresulta sa mas matagal na turn around time.

Maaari ring ang double o multiple charges ay na-post na successfully sa biller kung kaya’t mas nahihirapan silang i-undo ito.

Para makasigurado, mainam na i-check mismo sa biller kung nag-aaccept sila ng advance payment.

Maaaring ang request para i-refund ang double o multiple charging ay hindi ma-approve kung merong outstanding balance ang credit card account.

Maaaring partial refund ang i-approve ng creditcard biller kung may outstanding balance ang credit card account.

Paalala: Ang approval ng refund ay nakadepende pa rin sa proseso ng biller hindi ni PalawanPay.

Maaaring makipag ugnayan sa inyong biller upang macorrect ang error at ma apply ang inyong payment sa inyong payment due.

Madali lang kami bisitahin kahit nasaan ka man sa bansa! Hanapin ang pinakamalapit na Palawan Express Pera Padala branch o agents dito.

May problema? 'Wag mabahala!

Andito ang inyong PalawanPay Customer Service Team para tumulong! Maaaring i-contact ang PalawanPay para sa mga hinaharap na issue o problema.