Mamimili ka man sa grocery o kakain sa resto, pwede nang idaan ang bayad sa QR Code gamit ang iyong PalawanPay app. Scan mo na yan!
I-scan ang QR ng receiver.
2
I-enter ang amount na gusto mong ipadala.
3
Piliin ang “Purpose” mula sa dropdown options.
4
I-click ang “Next” at confirm ang mga detalye ng receiver, amount, etc. Ok na PALA? Click Confirm!
5
I-enter ang inyong MPIN at antayin i-display ang transaction details (o resibo).
Libre lamang at walang annual fees para magamit ang PalawanPay app, ngunit may corresponding fees ang maaaring i-charge sa inyong account ayon sa transaksyon. Tignan ang transaction fees dito.
Maaaring gamitin ang PalawanPay sa pagbabayad sa mga trusted PalawanPay merchants, tulad ng pagbili ng pagkain, groceries, damit, at iba pa. Kung paano magamit ang PalawanPay, pumunta lamang sa isa sa aming mga partner merchants at i-ready ang inyong mobile device:
Pwede mo ma-check ang buong listahan ng merchant partners na tumatanggap ng QR payment sa iyong PalawanPay app.
Kung hindi mo na-receive ang SMS notification ng iyong binayaran, i-check kung ang reference number na lumabas sa iyong PalawanPay app screen ay pareho sa na-receive ng merchant cashier. Kung oo, ibig sabihin ay na-receive ng merchant ang iyong bayad.
Ngunit kung hindi na-receive ng merchant ang confirmation ngunit nabawas ito sa iyong account, maaari mong sabihan ang merchant na mag reach out sa PalawanPay upang ma-verify ang iyong transaction.
In case na nais mong mag request ng refund, pwedeng i-request ito directly sa store o merchant kung saan ka nag bayad para sa kanilang refund policy. Kung pinapayagan nila ang refund, maaari silang mag report sa kanilang mga dedicated support channels.
Pwede rin mag submit ng ticket sa PalawanPay Customer Support at babalikan ka ng isa sa aming mga representatives sa loob ng 24 business hours. Ilagay ang mga sumusunod na detalye:
Paalala: Ang refund ay maaaring abutin ng ilang araw at subject pa rin ito sa approval ng merchant at refund policy nila.
Siguraduhin na ang iyong mobile camera ay malinis para ma-capture ng scanner ang buong QR code.
Kung hindi pa rin gumagana ang QR code scanning, siguraduhin na ang internet o data connection ng iyong mobile device ay maayos. Pwede rin i-restart ang PalawanPay app at kung hindi nito ma-resolve ang issue ay maaari rin subukan na i-restart ang mismong cellphone. Siguraduhin din na updated ang version ng app na iyong gamit.
Kung hindi pa rin ma-scan ang QR code, posible na hindi compatible ang iyong cellphone camera sa PalawanPay app kaya’t hindi tumutuloy ang scanner, at hindi ka maaaring makapag-QR transaction.
Madali lang kami bisitahin kahit nasaan ka man sa bansa! Hanapin ang pinakamalapit na Palawan Express Pera Padala branch o agents dito.
Andito ang inyong PalawanPay Customer Service Team para tumulong! Maaaring i-contact ang PalawanPay para sa mga hinaharap na issue o problema.
© 2021 PalawanPay. All Rights Reserved.